Messenger – Text and Video Chat for Free

Messenger – Text and Video Chat for Free

Messenger — isang mas mabilis na paraan upang magpadala ng mensahe.

Mga Detalye Ng App


Varies with device
Android Varies with device
Everyone
1000000000
1,000,000,000+
4.1 (81.6%) 63,481,191 Boto

Paglalarawan Ng App


Maabot kaagad ang mga tao sa buhay mo-nang libre. Ang Messenger ay katulad lang ng pagte-text, pero hindi mo kailangan magbayad para sa bawa't mensahe (gumagana ito gamit ang iyong data plan).

Hindi lang para sa mga kaibigan sa Facebook: Padalhan ng mensahe ang mga tao sa iyong phone book at ilagay lang ang numero ng telepono para magdagdag ng bagong contact.

Mga chat ng grupo: Gumawa ng mga grupo para sa mga tao na palagi mong pinapadalhan ng mensahe. Pangalanan ang mga ito, mag-set ng mga litrato ng grupo at panatilihin ang lahat ng ito sa isang lugar.

Mga litrato at video: Kumuha ng mga video at mga selfie o ibang mga litrato mula mismo sa app at ipadala ang mga ito sa isang pag-tap.

Mga chat head: Ipagpatuloy ang pag-uusap habang ginagamit mo ang ibang mga app.

Mga libreng tawag: Makipag-usap hangga't gusto mo, kahit sa mga taong nasa ibang bansa. (Libre ang mga pagtawag sa Wi-Fi. Kung hindi, mayroong mga karaniwang singil sa data.)

Mas marami pang paraan para magpadala ng mensahe:
Buhayin ang iyong mga pag-uusap gamit ang mga sticker.
I-preview ang mga litrato at video sa iyong gallery nang hindi umaalis sa pag-uusap--pagkatapos piliin ang mga perpekto para ipadala.
Mag-record ng mga voice message kapag marami ka pang sasabihin.

Mga dagdag na tampok:
Malaman kapag nakita ng mga tao ang iyong mga mensahe.
Magpasa ng mga mensahe o litrato sa mga tao na wala sa pag-uusap.
Maghanap ng mga tao at grupo para mabilis na mabalikan ang mga ito.
I-on ang lokasyon para malaman ng mga tao kapag nasa malapit ka.
Makita kung sino ang available sa Messenger at sino ang aktibo sa Facebook.
Gumawa ng mga shortcut para makapunta sa kahit anong pag-uusap mula mismo sa iyong home screen.
I-off ang mga abiso kapag nagtatrabaho ka, natutulog o kapag kailangan lang magpahinga.
Manatiling naka-log in para kailanman wala kang mapapalampas na mensahe.

Baka Gusto Mo Rin Ang Mga App Na Ito

online